Nailipat na sa sa PNP Custodial Center mula sa Camp Bagong Diwa sa Camp Crame ang self-confessed gunman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid na si Joel Escorial.
Ito ay makaraang payagan ng Las Piñas RTC Branch 254 ang motion to transfer custody para kay Escorial.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, alas-4 ng hapon kanina nang makarating si Escorial kasama ang convoy sa Campo Crame kung saan isinailalim siya sa kaukulang dokumentasyon bago tuluyang tanggapin sa Custodial Center ng PNP.
Matatandaang batay sa extra judicial confession ni Escorial, inamin niyang siya ang bumaril kay Lapid noong October 3.//CA