Self-protection muling ipina-alala ngayong may banta ang COVID-19 at sobrang init ng panahon

NAGA CITY – Bagamat wala pang ibinababang bagong mga guidelines o protocol ang Provincial Government matapos ngang maging Alert Level 1 Status ang lalawigan dahil sa COVID 19, naka-activate status at nakahanda naman ang Lokal na Pamahalaan ng Pasacao, Camarines Sur sa mga posibleng ipapasunod.

Base nga sa huling datus ng Department of Health Bicol 7 ang aktibong kaso sa Naga City at 6 naman sa Camarines Sur.

Bagamat hindi kabilang ang bayan sa may kaso, muling ipinalala ni Mayor Jorge Bengua ang Self-Protection bilang pag-iwas sa sakit na COVID- 19 ngayong at sa ibang mga uri ng sakit lalo na ngayong sobra ang init na nararanasan sa bayan. Mas mabuti aniya na maglagay na rin ng sunblock lalo na para sa kanilang mga turistang patuloy ang pagpunta sa  Summer Capital at huwag gaanong magbababad sa init upang hindi makaranas ng heatstroke, ang pagsusuot naman ng facemask ay boluntaryo pa rin.

Ayon pa sa Alkalde mahalaga pa rin na aware ang tao nang maka-iwas at makapag-ingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *