Sementeryo sa Pioduran, Albay pansamantalang isasara sa araw ng mga patay

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Local Government Unit (LGU) Pioduran na ang lahat ng mga Pribado at Pampublikong Sementeryo ay pansamantalang isasara muna ito sa nalalapit na All Saints Day at All Souls Day.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, bilang paghahanda sa Undas ay naglabas na ng kautusan hinggil sa pagsasarado nito ng mga sementeryo sa darating na Oktubre 30 hanggang Nobyerno 3 2021.

Layunin nito maiwasan ang pagdagsa ng mga tao gaya ng nakaugalian tuwing Araw ng mga patay dahil pa rin sa banta ng COVID-19. Maaaring bisitahin ang mga yumaong mahal sa buhay bago o pagkatapos ng mga nabanggit na petsa.

Dagdag pa nito kailangan ang ipatupad ang 30% maximum capacity upang maiwasan ang siksikan sa loob ng Sementeryo.

Sa mga araw na papayagan ang pagtungo sa mga sementeryo, kinakailangang sundin ang minimum public health standards gaya ng social/physical distancing at pagsusuot ng face masks/shields.

Maliban pa rito, pinagbabawal rin ang mga videoke, mini concert at iba pang palabas sa loob ng sementeryo at ipinagbabawal din overnight staying.

Bubuksan lamang ang nabanggit na lugar simula 7 ng umaga hanggang 5: 30 ng hapon.

Nakaalerto na rin ang mga BFP, MDRRMO, PNP, PSO at MHO upang makapagbigay ng police assistance o tulong sa mga nangangailangan sa sementeryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *