Seminar-workshop campaign na Risk Reduction And Resilience ng DOST-PHIVOLCS nilahukan ng PDRRMO ng bicol region

CAMARINES NORTE- Nakilahok ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bicol Region sa isinagawang Seminar-Workshop Campaign ng DOST-PHIVOLCS kaugnay sa 3R o Risk Reduction and Resilience

Ginanap yan noong May 9 hanggang May 11 sa Tagaytay City

Bukod sa Bicol region, nakilahok din sa nasabing programa ang mga kinatawan mula sa Regions IV-A, IV-B, National Capital Region, at regional offices ng DOST, DILG, at OCD.

Ang workshop ay naglalayong bumuo ng mga plano kung paano i-mainstream ang mga natutunan sa kanilang disaster risk reduction initiatives at kung paano maihahanda ng lokal na pamahalaan ang kanilang mga lungsod at munisipalidad para sa mga sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *