Sen. Bato, nanghinayang sa pagre-resign ni QCPD chief BGen. Torre

Suportado ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang pag-alis ng lisensya ng pulisya kay Wilfredo Gonzales dahil sa hindi katanggap-tanggap nitong pagbunot at pagkasa ng baril sa isang siklista.

Ayon kay Dela Rosa, nanghihinayang siya sa pagpasa ng resignation letter ni Quezon City Police District (QCPD) PBrig General Nicolas Torre III matapos nitong akuin ang lahat ng responsibilidad sa naging viral “road rage”.

Samantala, binigyang-diin niya na nakakasa na sa darating na linggo ang imbestigasyon ng nasabing insidente sa Senado.

Kaugnay nito, sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na ipapatawag nila sa gagawing pagdinig ang buong hanay ng QCPD, si Gonzales at ang siklista.

Dagdag pa niya, titiyakin nilang mabigyan ng sapat na proteksyon ang biktimang naagrabyado ng nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *