Sen. Binay at Sen. Cayetano, nagkasagutan sa pagdinig sa Senado

Hindi na nakapagpigil pa at dumating din sa pagdinig ng Senate Committee on Accounts si Senadora Nancy Binay upang depensahan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) mula sa pagpuna ng chair nitong si Senador Alan Cayetano.

Kung saan nagkainitan ang dalawang senador dahil sa isyu ng budgetary cost ng core at shell ng itinatayong New Senate Building sa Taguig City.

Maliban pa sa nasabing isyu ay muli ring naungkat ang naging Makati-Taguig issue at maging ang di umano’y palaging pagpapa-interview ni Sen. Binay sa mga radio station kung saan sinabi niyang nagbibigay rin ito mismo ng mga tanong dito.

Ngunit sa kabila nito, iginiit ng senadora na wala siyang planong guluhin ang pagdinig sa kanyang pagdalo dahil gusto lang umano niyang liwanagin ang mga bagay-bagay.

Samantala, matapos sumagot ng DPWH sa huling katanungan ay agad na ring umalis ang senadora.

Maalala, ang Makati-Taguig issue ay tumutukoy sa naging land dispute sa nasabing lugar na umabot pa sa labanan sa Korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *