Sen. Bong Go, ikinatuwa ang pag-apruba sa karagdagang pondo para sa SRA ng health care workers

Welcome kay Senador Bong Go ang pag-apruba sa paglalabas ng karagdagang budget para sa ikalawa at ikatlong batch ng COVID-19 Special Risk Allowance para sa mga health care workers.

Inaprubahan ng pangulo ang release ng P407.08 milyong ppondo na kinuha sa 2021 Contingent Fund para pambayad sa SRA ng private HCWs at non-DOH plantilla personnel na direktang nag-aalaga sa mga COVID-19 patients mula December 20, 2020 hanggang June 30, 2021.

Ayon sa senador, nararapat lamang na mabigyan ang mga medical frontliners ng dagdag na kompensasyon bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at patunay itong di sila papabayaan ng pamahalaan.

Nilagdaan ng pangulo ang release ng pondo kasunod ng mga reklamo mula sa public at private health care workers na di pa nakakatanggap ng SRA.

Una nang hinimok ni Go ang mga otoridad na maging flexible sa pagpapatupad ng terms ng Bayanihan to Recover As One Act, na syang nagsisilbing legal basis para sa SRA.

Samantala, para naman matugunan ang tumataas na demand para sa health workers, una nang inimbitahan ng senador ang mga HCWs na nagtatrabaho sa non-critical areas na mag-volunteer na ma-deploy sa Metro Manila at iba pang crucial areas para mapatatag ang kapasidad ng bansa na labanan ang COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *