Sen. Bong Go, nanawagan ng ‘win-win’ solution sa issue ng pag-angkat ng isda

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go ng win-win solution sa issue ng pag-aangkat ng isda.

Ayon sa inilabas na memorandum ng Department of Agriculture, ang pag-aangkat ay limitado sa ilang uri ng isda at pansamantala lamang ito dahil sa inaasahang magiging kakulangan ng supply sa panahon ng closed domestic fishing season na tatakbo mula Nobyembre ng taong ito hanggang Enero ng susunod na taon.

Nagbabala si Go na lalong babagsak ang fishing industry kung walang napapanatiling programa para sa mga mangingisdang maaapektuhan ng closed season.

Dahil rito, hinimok ni Go ang gobyerno na bumalangkas ng solusyon upang makabangon ang mga lokal na mangingisda gayundin ang kanilang mga paraan ng pamumuhay.

Ayon sa Department of Agriculture, may kabuuang 25,000 metric tons ng isda ang i-import sa Pilipinas para ibenta sa mga wet market ayon sa DA.

Ang mga uri ng isda na aangkatin ay kinabibilangan ng frozen round scad o galunggong, mackerel o alumahan at tulingan
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *