Sen. Bong Go pinangunahan ang pamimigay ng ayuda sa higit 400 na mga displaced workers, PWD sa South Cotabato

KORONADAL CITY- PINANGUNAHAN ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pamamahagi ng ayuda sa mahigit 400 mga displaced workers at Persons with Disabilities (PWD) sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Sa ilalim ng Sustainable Livelihood Programng Department of Social Welfare and Development o DSWD, ang mga displaced workers ay nakatanggap nglivelihood assistance grant na tig P 15,000 bilang capital seed fund upang makapagsimula ng kanilang napiling negosyo.

Nakatanggap din ang mga ito ng family food packs, at ilan sa mga ito ay nakabenepisyo sa Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), DOLE Integrated Livelihood Program ng Department of Labpr and Employment o DOLE Region 12, at mga programa ng Department of Trade and Industry o DTI-12 at Department of Health (DOH).

Nagbigay din ang Department of Agriculture o DA 12 ng 140 packs ng bigas at assorted vegetable seeds.

Namahagi din si Senator Bong Go ng mga groceries, vitamins, facemask at face shield, at may mga maswerteng nabigyan ng bisekleta, tablet at sapatos.

Samantala, 300 PWD’s naman ang nakatanggap ng cash assistance na tig P 3,000 at food packs bilang ayuda sa mga ito ngayong panahon ng pandemya. May mga benepisyaryo din na nabigyan ng  assistive devices katulad ng cane at wheelchair.

Pinasiguro naman ng senador na laging handa ang pamahalaan upang tumulong sa mga nangangailangan ngayon panahon ng pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *