Sen. Bong Go, suportado ang Bayanihan 3, pero…

Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang Bayanihan 3 para lalong matulungan ang mga Pilipino na patuloy na naghihirap dahil sa COVID-19 pandemic, sa kondisyong ang sources ng pondo ay tinukoy muna ng government finance managers.

Kaugnay nito, nangako si Go na ipa-prayuridad ang local hospital measures na labis na makakabenepisyo ang mga Pilipino bilang pagtupad sa kanyang pangako na ipa-prayuridad ang kanilang kapakanan, lalo na ngayong pandemya.

“Ako naman po bilang Senador, sang-ayon ako dito. Kung ano ang makakapagbigay ng tulong o ayuda, lalo na sa mga nawawalan ng trabaho, sa mahihirap nating kababayan, sang-ayon ako d’yan,” saad ni Go.

Samantala, ibinahagi ng senador na ang 13 ng local hospital bills na kanyang inisponsoran sa Senado ay pasado na sa ikalawang pagbasa, at nakatakdang sumalang sa deliberasyon para sa final reading sa susunod na linggo.

Giit nito, ang naturang mga panukala ay mahalaga para mapaganda ang paghahatid ng healthcare services sa mga Pilipino, partikular na sa mga mahihirap na labis na nangangailangan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *