Sen. Go muling iginiit na walang balak tumakbo sa 2022 elections

Muling iginiit ni Senador Christopher Bong Go na wala sa kanyang mga plano ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 National Election.

Sa isang panayam matapos ang pamimigay ng ayuda sa mga nasunugan sa South Harbor sa Maynila sinabi ni Go na mas pinagtutuonan niya ng pansin ang pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

Inihayag ni Go na ipina-uubaya niya sa panginoon, sa mga Duterte at sa mga taong naghalal sa kanyang sa pwesto ang kanyang kapalaran.

Ayon sa senador naniniwala siya sa pamilya Duterte at sa kanilang liderato, kaya kung anuman ang magiging desisyon ng mga ito ay lubos niyang susuportahan.

Dagdag pa ni Go na iisa lang naman ang kanilang layunin at ito ay ang pagserbisyuhan ang kapwa at kabutihan lang ng bawat Pilipino ang kanilang iniisip lalo na ngayong pandemic.

Binigyan diin din ng mambabatas na alam niya ang mga trabaho ng pangulo pero sadya aniyang malaking sakripisyo ito at dapat ay handa din ang nakaupong pangulo sa 24/7 na obligasyon sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *