Nagsagawa na ng groundbreaking ceremony sa lugar na pagtatayuan ng Samal Super Health Center sa lalawigan ng Bataan.
Pinangunahan ni Sen. Bong Go ang seremonya nakalipas na June 1 kasabay ng pagbisita nito sa lalawigan.
Ang Super Health Center na itatayo ay makakapagbigay ng iba’t ibang serbisyo at pasilidad tulad ng lab facilities, pharmacy, birthing facilities, out-patient department, dental servicesa at marami pang iba.
Ito umano ay kabilang sa pitong Super Health Center na itatayo sa Bataan para mailapit pa ang serbisyong medical sa mamamayan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: Sen. Bong Go
