Sen. Go pinuri ang vaccine rollout ng gobyerno matapos mabakunahan ang mahigit 75% ng populasyon sa NCR

Pinuri ni Sen. Christopher Bong Go ang vaccine rollout ng pamahalaan matapos itong makapagbakuna sa 75% ng kabuoang populasyon sa National Capital Region.

Paliwanag ni Go ang Metro Manila ang sentro ng ekonomiya kaya’t napakahalaga na mapabilis ang pagbabakuna dito upang maproteksyunan ang buhay at  kabuhayan ng mga Pilipino.

Dagdag ng Senador na bukod sa bakuna, sinisikap din ng pamahalaan na maibalik ang sigla ng ekonomiya at mabigyan ng sapat na trabaho ang mga nawalan ng kabuhayan habang sinisiguro na walang magugutom.

Higit sa lahat ayon kay Go hindi dapat pabayaan ang mga mahihirap ngayong may pandemic.

Inaasahan naman bago matapos ang Oktubre ay papalo na sa 85% ng eligible population ang mababakunahan sa NCR habang patuloy na pinapalawak ang vaccination rollout sa iba pang mga lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *