Sen. Go suportado ang Private Security Industry Act na makakatulong para magbigay ng karagdagang trabaho sa mga Pilipino

Nagpahayag ng suporta si Senador Christopher Bong Go sa panukalang “Private Security Industry Act”.

Layon ng naturang panukala na amyendahan ang 52-taon nang batas na Republic Act No. 5487 o kilala bilang ‘The Private Security Agency Law’.

Sa kanyang co-sponsorship speech sinabi ni Go na kapag tuluyang maging batas papayagan na ang mga private security agencies na mag-hire ng 2,000 private security professionals mas mataas sa 1,000 batay sa kasalukuyang batas.

Ibig sabihin umano nito ay magkakaron ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sinabi ni Go na dahil sa COVID-19 ay maraming mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho kung kaya’t malaking bagay ang ang naturang measures para makatulong sa recovery ng ating ekonomiya.

“Mas marami pong mabibigyan ng trabaho dahil sa panukalang batas na ito na talaga naman pong kinakailangan po natin dahil sa pandemya,” dagdag pa ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *