Sen. Lapid, nanindigang handa siyang bumaba sa pwesto kung mapatunayang sangkot siya sa POGO hub sa Porac, Pampanga

‘Handa ako mag-resign’

‘Yan ang mariing pahayag na binitawan ni Senador Lito Lapid sa naging pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Ito ay alinsunod sa naging akusasyon sa kanya ng isang hindi pinangalanang vlogger na di umano’y sangkot siya sa kamakailang ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Kaugnay nito, nanindigan siyang hindi siya magdadalawang isip na bumababa sa pwesto bilang senador kung lumabas na protektor o sangkot siya rito.

Samantala, iginiit naman niyang hindi siya papayag na masira ang kanyang pangalan at reputasyon dahil lang dito.

Maalala, sa nasabing pagdinig, sinabi ni Porac Mayor Jing Capil na hindi pagmamay-ari ng senador ang sampung hektaryang lupain na tinayuan ng illegal POGO hub sa naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *