Sen. Padilla, ipinagtanggol sa mga kritiko ang isinusulong na pag amyenda sa economic provision ng 1987 Constitution

Ipinagtanggol ni Sen. Robin Padilla sa mga kritiko ang resolusyon na inihain niya na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution at sinabing kailangan ang pagrepaso sa kasalukuyang Charter upang maamyendahan ang economic provision nito at mai-ayon sa kasalukuyang pangangailangan ng mga Pilipino.

Nauna nang inihain ni Padilla ang Resolution of Both Houses No. 3 na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng constituent assembly.

Ilang senador, partikular na sina Senators Grace Poe, Aquilino “Koko” Pimentel III ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa resolusyon. Sinabi rin ni Sen. Nancy Binay na karamihan sa mga senador ay hindi tanggap ang ideya habang sinabi ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na handa siyang suportahan ang panukala.

Umapela si Padilla, na namumuno sa Senate Committee on Constitutional Revision, Codes and Laws, sa kanyang mga kasamahan na muling isaalang-alang ang panukala.

Hiniling rin ng mambabatas na isaalang-alang ang resolusyon at makatitiyak aniya na wala itong nilalaman tungkol sa mga probisyong pampulitika, kabilang ang pagpapalawig ng mga termino o pagbabago ng anyo ng gobyerno.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *