Sen. Sonny Angara – itinalagang bagong DepEd Secretary

Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na si Senator Sonny Angara ang napili ni Pangulong Bongbong Marcos na papalit kay VP Sara Duterte bilang DepEd Secretary.

Inanunsyo daw ito ng Pangulo sa ginanap na Cabinet meeting ngayong umaga sa Palasyo ng Malacañang.

Nagpaabot na rin ng pagbati ang kapwa senador ni Angara na si Senator Loren Legarda.

Nabatid na ilan sa mga notable legislative achievements ni Angara ay ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act at ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang K to 12.

Bahagi rin siya ng EdCom, at isa sa mga inirekumenda ng PBEd na maging susunod na DepEd Secretary.

PAGTITIYAK NG BAGONG DEPED SEC

‘Education is the cornerstone of our nation’s future’

‘yan ang paniniwala ni bagong Department of Education (DepEd) Secretary, Senador Sonny Angara hinggil sa mga problemang kinahaharap ng sektor ng edukasyon.

Alinsunod nito, buong loob na tinanggap ni Angara ang pag-appoint sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng DepEd matapos bumaba kamakailan sa pwesto ni Vice President Sara Duterte.

Bilang pagtanggap sa bagong responsibilidad ay tiniyak niyang handa na siyang magtrabaho kasama ang ilang sektor ng komunidad kabilang na si Sara at ang administrasyong Marcos upang magarantisa ang access ng mga estudyante sa kwalidad na edukasyon.

Dagdag pa niya, bilang bagong kalihim ay susubukan niya kasama ang mga stakeholders na makabuo ng malagong kinabukasan para sa bansa sa pamamagitan ng edukasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *