Sen. Tolentino, hiniling ang gabay ng inang peñafrancia sa problema sa West Philippine Sea

NAGA CITY-Mahigit sa 500 na mga grupo at organisasyon ang lumahok sa taunang Civic at Float parade sa Naga City, kaugnay ng Peñafrancia Festival kahapon Setyembre 14, 2023.

Isa sa mga pangunahing bisita si Senator Francis “Tol” Tolentino. Maaga rin itong nakilahok sa parada kasama ang opisyal ng Metro Naga Development Council.

Sa mensahe ng Senador binanggit nito ang inaugural meeting kaugnay ng Special Committee on Maritime on Philippine Maritime and Admiralty Zones. Aniya sana ay sa pamamagitan ni Inang Peñafrancia, magabayan din ang mga nasa pamahalaan sa pagsisilbi sa bansa , kasama na ang pag resolba sa issue sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *