Sen. Tulfo, iminungkahi na taasan ang combat pay para sa mga sundalo

Iminungkahi ni Senator Raffy Tulfo na taasan at palawakin ang coverage sa combat duty pay sa mga sundalo, dahil ang P300 ay kakarampot lang umano.

Binigyang diin ni Tulfo na ang P300 per day ay limitado lang sa maximum na sampung araw sa isang buwan.

Giit nito, na ito ay mas mababa kumpara sa sea duty pay at flying duty pay na 25 percent at 50 percent sa base pay ng isang opisyal.

Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation, wenelcome naman ni AFP chief-of-staff General Andres Centino ang naturang rekomendasyon ni Tulfo.

Ayon kay Centino, labis silang magpapasalamat kung ang naturang inisyatibo ay maipapasa bilang batas.

Mababatid na tinalakay ng Senate panel, na pinamumunuan ni Senator Jinggoy Estrada, ang panukala na layuning amyendahan ang Republic Act No. 11907, o ang Strengthening Professionalism in the AFP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *