Sen. Villar, uminit ang ulo matapos idahilan ng DENR official ang Land Use Act para sa salt production

Uminit ang ulo ni Senator Cynthia Villar matapos mabanggit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Land Use Act, bilang tugon sa kanyang tanong kaugnay sa bumababang salt production sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate committee on agriculture, food, and agrarian reform, inusisa ni Villar kung ang alokasyon ng lupa para sa pag-gawa ng asin ay lumiit, matapos na bumaba ang production nito mula sa 240,000 metric tons noong 1970s sa 42,000 metric tons sa kasalukuyan.

Tugon naman ni DENR Land Management Division chief Alex Pascua, hindi siya makakapagbigay ng categorical response dahil hanggang sa ngayon umano, wala namang Land Use Act ang bansa.

Hindi naman nakalusot ang sagot ni Pascua kay Villar at muling nagpatutsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *