Senado, inaprubahan ang Expanded Solo Welfare bill sa ikalawang pagbasa

Inaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 1411, na magpapalawak ng government assistance sa mga solo parents.

Layon ng panukalang batas na mabigyan ng 20% na diskwento ang mga magulang para sa mga medikal na pangangailangan, pangunahaing pangangailangan, at diapers ng bata hanggang sa umabot ito sa tatlong taong gulang.

Isinusulong rin ng panukala na malibre ang matrikula ng kanilang mga anak mula kindergarten hanggang college.

Binibigyan rin nito ang mga solo parents ng karagdagang pitong araw na parental leave, na bukod pa sa mga natatanggap nitong leave privileges sa ilalim ng batas.

Sakali naman maipasa bilang batas ay aatasan nito ang mga kompanya na nasa mahigit 300 ang mga empleyado na magtayo ng daycare facility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *