Senado, magpapatawag ng isa pang inquiry re: Budget ng govt sa COVID vax

Magsasagawa ang Senado ng isa pang committee hearing sa June 15 para busisiin ang vaccine negotiations at procurement ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, magbabalik ang Senate Committee of the Whole sa pagdinig, para usisain ang ilang tanong kaugnay sa budget allocation para sa pandemic response, kasunod ng hilling ni Budget Secretary Wendel Avisado na magdagdag ng P25 billion, maliban sa naunang P82.5 billion para sa pagbili ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Una nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang P2.5 billion para sa initial budget sa pandemic response, matapos sabihin ni Avisado na ang P82.5 billion para sa COVID-19 vaccination program ngayong taon ay hindi sapat.

Sinabi ni Avisado na kasama sa naturang halaga ang pagbili ng apat na milyong vaccine doses, maging ang logistical at administrative costs.

Para kay Lacson, ang karagdagan pang P25 billion na hinihiling ng Budget Department ang maaring sobra na para sa target ng pamahalaan na makamit ang herd immunity para sa 70 million vaccinated Filipinos, lalo’t ang World Health Organization-backed COVAX initiative ay nangako nang magdodonate ng 44 million doses sa Pilipinas. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *