Senador Bong Go, suportado ang proposed budgets ng OPAPP, MDA, at SPDA

Bukod sa budgets ng PDEA at DDB, ipinahayag din ni Senador Bong Go ang kanyang suportado sa proposed budgets ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na pinangungunahan ni Secretary Carlito Galvez, Mindanao Development Authority (MDA) na pinangungunahan ni Secretary Manny Piñol at Southern Philippines Development Authority (SPDA) na pinamumunuan ni Administrator Gerry Salapuddin.

Ayon sa senador, ilang dekada nang nakakaranas ng injustice at social inequity ang Mindanao at mga residente nito kaya patuloy na sinisikap ng gobyerno na magdala ng kinakailangang reporma at development sa Mindanao region.

Aniya, partikular nyang pinupuri ang Mindanao Development Authority para sa partisipasyon sa Balik Probisya Baong Pag-asa Program.

Kinilala rin ni Go ang SPDA para sa pagsulong ng development ng Southern Philippines sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa at proyekto.

At panghuli ay pinuri ng senador ang OPAPP dahil sa mga nagawa nito para sa development ng Bangsamoro, partikular na ang pagpapatupad ng normalization program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *