Senador: hindi kailangan ng bansa ng bagong batas para makaalis sa grey list

Naniniwala si Senador Chiz Escudero na hindi na kailangang magpatupad ng bansa ng bagong batas upang makaalis sa pagkaka-grey list nito sa Financial Action Task Force (FATF).

Ito ay matapos banggitin ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Secretariat executive director Matthew David sa Palasyo na pinamamadali na ng Pangulo sa ilang ahensya ng gobyerno ang pagkumpleto sa labingwalo pa nitong deficiency sa FATF.

Ayon kay David, nasa sampu pa lang kase ang nareresolba ng bansa mula sa labingwalong deficiency nito.

Kaugnay nito, ayon kay Escudero, imbis na bumuo o magpatupad ng bagong batas ay mas maganda kung pagbubutihin na lang ng gobyerno ang regulasyon nito pagdating sa money remittances at terror finances.

Anya, maganda rin kung magagamit ng maayos ng gobyerno ang mga economic data upang makaalis sa grey list.

Maalala, ayon kay David, kung hindi makakaalis ang Pilipinas pagkaka-grey list ay malaki ang posibilidad nito na maging blacklisted na siyang magpapahirap sa proseso ng international financial transactions ng mga Pilipinong nasa abroad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *