Senador hindi kontento sa mga dahilan para ipagpaliban ang 2022 brgy at SK polls

Hindi kontento si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa dahilan para i-justify ang panukalang pagpapaliban sa 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Para kay Pimentel, maari naman umanong ituloy ang halalan kahit pinag-aaralan ng mga mambabatas ang gagawing reporma sa barangay at SK systems.

Ayon sa senador, dapat galangin ang 2022 local elections, dahil ang mga reporma sa barangay at SK systems aynagsimula sa pagkakaroon ng firm commitments sa pamamagitan ng pagkilala sa schedule ng halalan.

Mababatid na aprubado na sa Senado para sa ikalawang pagbasa ang panukala na nagpapaliban sa 2022 BSKE ng isa pang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.