Senador Imee Marcos, hindi pabor sa plano ng DA na importasyon ng pulang sibuyas

Ikinalungkot ni Senador Imee Marcos ang kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka ng pulang sibuyas sa bansa kasabay ng patuloy na pagbaba ng farmgate price nito ang pinaplanong pag-aangkat ng sibuyas ng Department of Agriculture.

Ayon kay Senador Marcos, dapat masusing pag-aralan at balansehin ng DA ang plano nilang importasyon ng pulang sibuyas dahil lubhang maapektuhan daw nito ang mga lokal na magsasaka.

READ MORE:

Binigyang diin ng mambabatas na sa ikalawang linggo naman ng Disyembre, harvest season na ng mga pulang sibuyas sa walong probinsya sa bansa kung kaya’t para sa kanya, hindi na kailangang mag-angkat pa.

Bukod dito, iginiit din ng Senador na mas lalala lamang ang ginagawang pagmanipula ng mga traders sa presyo ng sibuyas kung matutuloy ang pag-aangkat.

Nabatid na batay sa naunsyo ng DA, nasa 7,000 metric tons ng pulang sibuyas ang plano nilang angkatin, ito’y upang matugunan daw ang mataas na presyo nito sa mga pamilihan.

Nitong nakaraang Nobyembre, naglalaro sa P25 hanggang P27 per kilo ang farmgate price ng pulang sibuyas, mas mababa sa dapat na P45 hanggang P55 kada kilo.//CM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *