Senador isinusulong na maibalik ang Philippine History sa High School curriculum

Isinusulong ngayon ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na maisama ang Philippine History sa high school curriculum.

Batay sa Senate Bill 451 na inihain ni Padilla nais nitong muling maituro ang Philippine History nang sa gayon ay maunawaan ng mga kabataan ang historical roots at cultural heritage sa lahat ng antas ng formal education.

Ayon kay Padilla, nawala umano ang Philippine History sa high school curriculum noong 2014 sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd) Order 20.

Nanindigan ang Senador na bagamat mayroong subject na Asian Studies at World History sa K-12 program, dapat pa rin magkaroon ng sariling subject ang Philippine History na komprehensibong nakatutok sa pag-aaral ng ating kasaysayan.

Sa ilalim ng panukalang batas, ituturo ang Philippine History para isulong ang pagmamahal sa bayan kasama na “history, culture and identity” ng Bangsamoro at Indigenous People.

Layun din ng panukalang batas na magkaroon ng “critical thinking and discourse” sa epekto ng mga pangyayari sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.