Senador, muling ipinaalala ang ‘interchamber courtesy’ sa gitna ng pagdinig ng PDEA leak

Binigyang-diin ni Senador Chiz Escudero na desisyon na ng liderato ng Kamara at komite ang pagtuloy o di kaya ay paghinto sa pagdinig sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) leak.

Ngunit kung siya umano ang tatanungin tila napiga na ang lahat mula sa isyu at wala ng mapipiga pa mula rito.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Anya, puro personal na alitan na lang din mula sa mga resource person ang lumalabas kaya’t nalilihis na ang usapan.

Ngunit sa kabila nito, muli niyang ipinaalala sa dalawang kapulungan ang paggalang sa ‘interchamber courtesy’ na nagsasabing hindi pwedeng diktahan ng Kongreso ang Senado at vice versa.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Maaalala, kamakailan ay binira ng ilang mambabatas si Senador Ronald Bato Dela Rosa na siyang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs dahil sa pagpagpapatuloy nito sa pagdinig kahit wala pa namang matibay na ebidensyang naihahain.