Nanawagan si Senator JV Ejercito ng karagdagang confidential at intelligence funds para sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of National Defense (DND) at Philippine Coast Guard (PCG) upang mapatatag ang pagbabantay ng Pilipinas sa teritoryo ng West Philippine Sea.
Ayon kay Ejercito, marapat lang na gumising na ang bansa sa katotohanan, bago pa dumating sa puntong napakarami ng na-reclaimed na isla ng China mula sa atin.
Ayon pa sa senador, tila nagkulang sa pagfa-follow up ang mga sumunod na administrasyon pagkatapos ng kanyang tatay na si dating pangulong Joseph Estrada.
Kung maalala, mas uminit ang iringan sa pinag-aagawang teritoryo nang bombahin ng tubig ng China Coast Guard (CCG) ang PCG na kasalukuyang nagsasagawa ng resupply mission noong Agosto.