Senador, pinuna ang mataas na presyo ng kuryente sa PH

Pinuna ni Sen. Raffy Tulfo ang sobrang mahal na presyo ng kuryente sa bansa.

Ayon kay Tulfo isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na presyo ng kuryente sa Asya gayung isa lang naman ang pinagbabasehan ng presyo ng pag-angkat ng coal, ito ay ang Indonesian Coal Index at New Castle Index.

Dahil dito nasita ng mambabatas sa isang consultative meeting ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Energy (DOE) dahil dekada na umanong hinahayaan ng mga ahensiya na magpatuloy ang mapang-abusong sistemang ito.

Naniniwala ang senador na isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga foreign investor ang nag-aalangan magtayo ng kanilang negosyo sa bansa ay dahil sa mahal na singil sa kuryente kaya’t mas pinipili nilang magpunta sa ibang lugar tulad ng Malaysia at Vietnam.

Balak naman ni Tulfo na iapatawag ang ERC at DOE sa pagbukas ng sesyon sa Senado sa pamamagitan ng isang hearing upang matuldukan na ang matagal nang pang-aabuso’t pang-aapi ng mga genco sa sambayanang Pilipino. // LB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *