Senador, suportado kautusan ni Duterte na ikulong mga face mask violators

Suportado ni Senate President Vicente Sotto III ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikulong ang mga taong mahuhuli na hindi nagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

Para kay Sotto, okay lang na makulong ang isang violator ng ilang oras, para lang sumunod sa mga panuntunan.

Giit ng senador, may mga paglabag na kailangang tugunan ng kamay na bakal.

Ang pagsuporta ng Senate President ay sa gitna ng mga obserbasyon rin nito na marami ang matitigas ang ulo habang nasa gitna ang bansa ng COVID-19 pandemic, at may mga nag-iinuman pa sa kalye.

Mababatid na ipinag-utos ng pangulo sa mga pulis na ikulong at imbestigahan ang mga tao na bigong magsusuot ng face mask, at ang hindi pagsusuot nito ng maayos sa publiko, bilang ang naturang panuntunan ay mahalaga para pigilan ang pagtaas ng COVID-19 infections. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *