Senador, tinawag na puting unggoy ang mga tauhan ng ICC sa planong ituloy ang imbestigasyon sa drug war ni ex-Pres. Duterte

Tinawag ni Senator Jinggoy Estrada na puting unggoy ang mga tauhan ng International Criminal Court (ICC) at muling iginiit na hindi sila dapat pumasok sa bansa para ituloy ang imbestigasyon sa umano’y crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng madugong giyera kontra iligal na droga.

Naniniwala si Estrada na may working justice system ang bansa, kaya hindi dapat makialam ang mga internasyonal na katawan.

Hindi aniya dapat magpauto ang bansa at maging sunud-sunuran na lamang sa kung ano mang instructions ang ibibigay ng ICC.

Sina Estrada at Sen. Robin Padilla ay naghain ng mga resolusyon, na naglalayong protektahan si Duterte mula sa pagsisiyasat ng ICC.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *