National

Senador Zubiri, hindi raw maintindihan kung bakit nais madaliin ng Kamara ang Cha-Cha

Hindi umano maintindihan ni Senate President Juan Miguel Zubiri kung bakit minamadali ng Kamara ang Senado na aksyonan ang mungkahing amyendahan ang 1987 Constitution.

Ito ay kasunod ng naging pahayag ni House Committe on Constitutional Ammendments chair Cagayan de Oro Rep.Rufus Rodriguez na dapat hindi isantabi ng Senado ang inisyatibo ng House of Representatives para sa charter change matapos umanong maaprubahan nang may ‘overwhemling votes’ at nangangailanganb ng ‘urgent attention.’

Ayon kay Zubiri, minsan ay nagtataka siya sa kung ano ang nangangailangan ng ‘urgent attention.’ Aniya, hindi naman kasama sa inilatag na priority measures ng LEDAC ang pag-amyenda sa umiiral na Konstitusyon.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Rodriguez na nakatakdang magkaroon ng pagdinig sa Senado sa Lunes. Sabi ni Rodriguez, inimbitahan siya ng kaniyang counterpart sa Senado na si Senador Robinhood Padilla para talakayin ang nilalaman ng Resolution of Both Houses No. 6 na nagpapatawag ng Con-Con.

BNFM National

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

1 day ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

1 day ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

1 day ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

1 day ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

1 day ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

1 day ago