Mariing tinutulan ni Senadora Risa Hontiveros ang mungkahi ng Department of Finance (DOF) na bawasan ang rice tarrif rate sa bansa.
Ayon kay Hontiveros, maari namang magamit ang mga makokolektang pera mula rito sa pagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga mamamayang Pilipino.
Ito ay upang magkaroon sila ng kakayahang bumili ng supply ng bigas na siyang reresolba sa supply shortage ayon sa senadora.
Kaugnay nito, nanawagan si Hontiveros sa gobyerno na ipagpatuloy lang ang kasalukuyang porsyento sa rice tarriff rate at ibigay ang mga makokolekta rito bilang cash aid sa mga nangangailangan.
Maalala, sa sinabing pahayag ng DOF ay hiniling nilang ibaba sa sampung porsyento o kahit zero ang kasalukuyang tatlumpu’t limang porsyentong rice tariff rate sa bansa.