Senadora, pinagpapaliwanag ang SRA sa mahal na SRP ng asukal sa kabila na smuggled

Nagtataka ang ilang mga senador kung bakit mataas pa rin ang presyo ng mga asukal na ibebenta sa mga pamilihan.

Una na kasing sinabi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ibebenta sa mga supermarkets ang mga naturang asukal sa halagang P136.

Ayon kay Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros – bakit daw tila mas mahal pa ang presyo ng asukal imbis na bumaba.

Aniya, hindi maipaliwanag kung bakit halos P140 pa rin kada kilo ang presyo nito; hayong mayroong ire-release ang gobyerno na nasa 170,000 metric tons ng mga smuggled na asukal.

Sabi ni Hontiveros, dapat ay magkarooon ng sapat na paliwanag ang SRA partikular na ang ‘di umano’y patong na P40 hanggang P60.

Sa hiwalay na panayam, dinepensahan ni SRA acting administrator Pablo Luis Azcona ang naturang presyo ng asukal.

Samantala, inaasikaso na lamang umano ang mga papeles para mabenta naman ang smuggled sugars sa mga KADIWA outlets. // LGD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *