Senadora: walang karapatan ang China na manduhan ang Pilipinas

“The administration should get its act together”

Ito ang pahayag ni Senadora Risa Hontiveros kaugnay sa naging pagbati ni Pangulong Bongbong Marcos sa bagong halal na lider ng Taiwan na si Lai Ching-te.

Ayon kay Hontiveros, ‘di pwedeng taliwas ang sinasabi ng Pangulo sa sinasabi ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Samantala, nanindigan naman din ang senadora na walang karapatan ang China na manduhan ang Pilipinas sa sasabihin nito.

Katulad nalang umano ng kawalang karapatan ng mga ito na maglayag sa West Philippine Sea.

Maalala, matapos ang inilabas na pagbati ni PBBM ay nagpahayag naman din ang DFA na committed ang Pilipinas sa pagsunod sa “One China Policy” .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *