Sisimulan ng Senate Public Order and Dangerous Drugs ang inquiry sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo pagkatapos ng Semana Santa.

Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng panel, nakiusap sa kanya ang Department of Justice na maghintay hanggang sa maisampa ang mga kaso laban sa mga umano’y masterminds sa pagpatay sa gobernador para makapag-focus ang mga prosecutors sa building up ng kaso.
Magsasagawa sana ng inquiry ang Senate panel tungkol sa pagpatay kay Degamo noong March 15 ngunit ipinagpaliban ito.
Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kabilang si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa mga itinuturing na suspek sa utak ng mga pagpatay sa gobernador.