Senate panel, ipapa-subpoena ang mga kontratang na-award sa Pharmally na hindi na-audit

Isiniwalat ng ilang senador na nag-award ang Department of Budget and Management ng mga kontrata at nag-isyu ng purchase orders na aabot sa mahigit P4-billion sa Pharmally Pharmaceutical Corporation, na wala sa 2020 audit report.

Tinutukan sa malaking bahagi ng probe ang procurement service ng DBM at ang Pharmally na na-awardan ng mga pinakamalalaking kontrata para sa pandemic response kahit nasa P625,000 lamang ang paid-up capital nito mula nang ma-incorporate ito noong 2019.

Sa ika-anim na hearing ng komite ay tinanong ni Drilon kay dating PS-DBM officer-in-charge Lloyd Christopher Lao kung bakit may mga kontrata na wala sa audit report kabilang na ang P300-million na kasunduan para sa 3-milyong piraso ng KN95 masks na may unit price na P100, at purchase order na nagkakahalaga ng P2.88-billion para sa 41,400 test kits na may unit price na P69,500.

Nabanggit rin sa pagtatanong ng senador ang tungkol sa purchase order na nagkakahalaga ng P245.58-million para sa 312 test kits na may unit price na P787,968 at purchase order na P774.35 million, para sa 17,000 test kits na may unit price na P45,550.

Dalawa sa mga dokumento ay pirmado ni Lao, na naging OIC ng PS-DBM hanggang mag-resign ito noong June 2020.

Sa request naman ni Drilon ay nagkasundo ang Senate panel na ipa-subpoena ang mga dokumento mula sa PS-DBM upang masuri ito sa susunod na hearing sa Biyernes, September 17, 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *