Senior Citizen at PWD, libreng makakapanood ng sine sa Sto. Tomas

Batangas City –

Libre nang makakapanuod ng sine ang mga Senior Citizen gayundin ang mga Person with Disability sa pinakamalaking Mall sa lungsod ng Sto. Tomas.

Layunin nito na mabigyan ng kasiyahan ang mga Lolo’t Lola gayundin ang mga PWD’s at maiparamdam ang pagmamahal para sa kanila.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga presidente at limang representante ng mga Senior Citizen mula sa tatlumpung barangay ng naturang lungsod.

Samantala, nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa SM City Batangas, dahil sa pagbibigay ng ganitong uri ng kasiyahan para sa mga Senior Citizens at PWD’s sa nasabing lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *