Senior Citizen edad 90-pataas bibigyan ng cash incentives ng Brgy. West Tapinac, OC

Magbibigay ang Brgy. West Tapinac, Olongapo City ng cash incentives sa mga senior citizen sa lugar na edad mula 90-pataas.

Ito ay matapos na maaprobahan ng konseho ang inihaing ordinansa ng baranggay.

Ayon kay Kap. Donald Aquino, ang mga edad 90-94 years old ay makakatanggap ng 3,000 kada taon, habang ang mga nasa 95-99 years old ay 5,000 at ang 100 years old pataas ay 10,000.

Sa ngayon ay inaayos pa ang Implementeng Rules and Regulation ng batas at mag-aanunsyo lamang umano ang baranggay kapag maaari nang magparehistro ang mga seniors na nasa nabanggit na edad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *