Senior citizen na nabakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte wala pang 80 porsiento

CAMARINES NORTE – Wala pang walumpong porsiento ang mga senior citizen sa lalawigan ng Camarines Norte na nabakunahan kontra COVID- 19.

Ito ay sa kabila ng maigting na kampanya ng mga Local Government Unit para hikayatin ang mga nakatatanda na magpabakuna.

Sa tala ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang nitong Martes, November 29, nasa 75. 8 percent pa lang ang vaccination coverage sa 60 years old pataas.

Sa target na 46, 754 na mabakunahan sa naturang age group nasa 35, 441 ang nabakunahan.

Ang bayan ng San Vicente, na pinakamaliit sa lahat ng bayan ang may pinakamataas na porsiento ng mga nabakunahan na nasa 121. 1 percent.

Sa target na 833 nasa 1, 009 ang nabakunahan.

Ang Daet na kabiserang bayan ng lalawigan ay malapit nang maabot ang target na bilang ng mga babakunahan.

Sa target na 8, 399 ay nasa 8, 233 ang bilang ng mga nabakunahan o katumbas ng 98.0 percent.

Ang bayan naman ng Basud ay nasa 89. 5 percent na ang vaccination coverage sa A2 priority group.

Sa target na 3, 288 nasa 2, 942 na ang nabakunahan.

Ang Capalonga  naman ay nasa 86. 5 percent na at Talisay na may 85. 7 percent.

Ang nalalabing mga bayan ay mababa pa ang bilang ng mga senior citizen na nabakunahan.

Ang Jose Panganiban ay nasa 72. 4 percent,  Mercedes 70. 9 percent, Labo 67. 3 percent, Vinzons 61. 4 percent, Paracale 61 percent,  San Lorenzo Ruiz 57. 9 percent at Sta Elena 53. 9 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *