Senior citizen na Pilipina sa California, patay matapos itulak ng pulubi sa riles ng tren

Patay ang isang 74-anyos na Pilipina sa California matapos itong itulak ng isang pulubi habang naghihintay ng tren sa BART Powell Station sa San Francisco.

Sinugod pa ang biktimang kinilala na si Corazon Dandan sa San Francisco General Hospital, ngunit kalaunan ay namatay dahil sa natamo nitong head injury.

Ayon sa BART Police, itinulak ng suspek ang biktima habang papalapit ang tren, dahilan para tumama ang ulo ng biktima sa umaandar na tren bago ito nahulog sa platform.

Agad namang inaresto ang suspek na kinilalang si Trevor Belmont, alyas Hoak Taing at sasampahan ng kasong murder at elder abuse.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang pamilya ni Dandan habang pinoproseso pa nila ang trahedya na sinapit ng nasawi nilang kaanak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *