Senior citizen patay matapos makuryente sa Capalonga

CAMARINES NORTE- Patay ang isang senior citizen makaraang makuryente kamakalawa sa Purok 5, Barangay Ubang, Capalonga, Camarines Norte.

Sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office nakilala ang biktimang si Danilo Enguerra y Dolotanora, 68 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.

Nakita umano ng dalawang saksi ang biktima sa madamong bahagi ng kaniyang tinitirhan na nakahandusay at wala nang buhay habang hawak ang isang live wire.

Tinangka umano ng dalawang saksi na isalba ang biktima sa pamamagitan ng paghihiwalay ng katawan nito sa hawak na wire gamit ang kahoy at plastic.

Isinugod pa sa Camarines Norte Provincial Hospital Annex II sa Capalonga ang biktima pero ideneklarang dead on arrival ng doktor.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang kapulisan ng Capalonga upang matukoy ang sirkumstansya ng sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *