Senior citizen pinakabagong tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng panibagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes sa Camarines Norte.

Siya si Bicol No 65160, 75 anyos na lalaki mula sa Barangay San Roque na naka- confine ngayon sa Bicol Medical Center.

Asymptomatic ang pasyente pero nahihirapan sa pag ihi kaya nagpakunsulta sa doktor noong November 6.

Isinailalim ang pasyente sa RT- PCR test at lumabas ang resulta na positibo ito sa sakit noong November 12.

Dahil dito umabot na sa  196 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa naturang bayan kung saan dalawa dito ay aktibong kaso.

Si Bicol No 65160 ang ika- 36 na kaso ng COVID- 19 sa San Roque na pinakamarami sa 26  na barangay ng Mercedes.

Nakapagtala naman ng isang  bagong recovery sa naturang bayan kaya nasa 171 na ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Walang naitalang bagong kaso ng pagkasawi kaya nananatili ang bilang nito sa 21.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *