Senior citizen rights advocate: Luwagan protocols sa mga vaccinated seniors

Hiniling ng senior citizen rights advocate na mabigyan ng special privileges ang mga nabakunahan seniors sa gitna ng quarantine protocols ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon sa abogado at long-time advocate ng senior citizen rights Romulo Macalintal, na ang mga elderly people na nabakunahan na ay kailangang mabigyan ng updated protocols kaugnay sa mga aktibidad na papahintulutan para sa kanila, sa halip na manatiling nasa bahay lang.

Kabilang sa mga special privileges na iminumungkahi ni Macalintal para sa mga vaccinated seniors ay payagan ang mga ito na makadalo sa mass gatherings, religious activities, at dining in sa mga restaurants.

Pero ayon sa abogado, kailangang i-required sa kanila na ipakita ang kopya ng kanilang vaccination card, bilang patunay na sila ay inoculated.

Paliwanag nito, dahil umano sa naturang mga special privileges, mahihikayat ang iba pang SCs na mapabakuna. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *