Senior citizen sa Zambales na tinangay ng tubig baha, bangkay na nang matagpuan

Senior citizen sa Zambales na tinangay ng tubig baha,bangkay na nang matagpuan

Patay na ng matagpuan ang isang senior citizen na inanod ng tubig baha sa bayan ng Cabangan, Zambales.

Read More:  VP Sara Duterte says impeachment complaint lacks evidence

Ito ay makaraan ang ilang oras na paghahanap ng mga kaanak at ng mga rescuer pagkatapos na tangayin ng malakas na agos dahil sa bagyong Karding.

Ayon kay Disaster Management Officer Greg Del Rosario, hindi kalayuan sa lugar ng pinangyarihan natagpuan ang bangkay ng matandang hindi na pinangalan.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Matatandaan, hatinggabi noong linggo nang lumubog sa baha ang Bgy.San Rafael, Apo-Apo at Cadmang, pero ligtas na nakalikas ang mga residente maliban sa matandang inanod makaraang tangkaing iligtas ang alagang baka.
#