Sentro ng bagyong gorio, huling namataan sa northeast ng itbayat batanes

Huling namataan ang bagyong goryo sa layong 730 km Northeast ng Itbayat Batanes ngunit Hindi naman ito direktang nakakaapekto sa lagay ng panahon.

Batay sa DOST PAGASA, mayroon ito lakas ng hangin na 45 km/h at pagbugso na 55 km/h habang kumikilos patungong Silangan Hilagang Silangan ng bansa sa bilis na 20 km/h.

Inaasahan namang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas, August 5, 2021 ng umaga.

Magdadala naman ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Southwest Monsoon o hanging habagat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Regional ilang parte ng Central at Southern Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *