Serbisyo ng government offices hindi dapat maapektuhan ng iba’t- ibang aktibidad ngayong Civil Service Month

CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang Civil Service Commission na hindi dapat maapektuhan ang serbisyo ng mga opisina ng gobyerno dahil sa iba’t- ibang aktibidad na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Civil Service Month.

Ayon kay Camarines Norte CSC Director II Atty Alicia Salinas dapat na may maiiwan pa ring tao sa opisina lalo na ang frontline services.

Aniya, bagamat may iba’t- ibang aktibidad na nakahanda ang LGU hindi ito dahilan para hindi maibigay sa tao ang mga serbisyong kinakailangan.

Nilinaw naman ni Salinas na ang mga aktibidad na inorganisa ng LGU tulad ng sports fest ay kasama sa official time ng empleado. Mababatid na ngayong buwan ay naglatag ng mga aktibidad ang iba’t- ibang LGU na may kaugnayan sa pagdiriwang ng civil service month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *