Mas inilalapit na ng Social Security System ang mga serbisyo nito sa mga barangay sa Olongapo at Zambales.
Ito ay para matulungan ang may mga katanungan o transaksyon sa SSS na hindi na kinakailangan pang makipagsiksikan sa mismong opisina nito.
Ayon kay SSS Olongapo Asst. Manager Renato Madera, itinuturo na dito ang mga pwedeng gawin sa online transactions at iba pang mga serbisyo ng tanggapan.
Sa ngayon ay mayroon nang mga naka-schedule na barangay para SSS E-Center sa Barangay Project.
Para malaman ang iskedyul ay abangan lang ang iaanunsyo ng inyong mga barangay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
