Seremonya kaugnay sa pormal na pagbubukas ng fountain of freedom and hope sa kapitolyo ng Camarines Norte, nakatakdang isagawa ngayong araw

CAMARINES NORTE – Nakatakdang isagawa ngayong araw ang pormal na pagbubukas ng Fountain of freedom and hope sa kapitolyo ng Camarines Norte.

Isasagawa yan mamayang alas 6:00 ng gabi sa Provincial Capitol Grounds ng lalawigan kung saan magkakaroon ng espesyal na pagtatanghal ang The Aspirants Drum and Lyre Corps kasama ang Tanghal Kulturang CamNorteΓ±o.

Inaasahang dadalo rin sa nasabing seremonya ang Gobernador at bise Gobernador ng lalawigan na sina Ricarte “Dong” Padilla at Joseph Ascutia.

Ayon sa Provincial Information Office ng Camarines Norte, ang Fountain ay sumisimbolo sa pagdiriwang ng walang hanggang kalayaan at adhikain ng bawat CamNorteΓ±o.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *